Isang matandang babae ang nag-magandang loob na paalalahanan ang babae katabi nya sa jeep, ngunit nagalit pa ito sa kanya.
Ayon sa nagpost na si Daniza Salvadora, nakasakay umano sya sa jeep dakong alas-3 medya ng hapon ng may sumakay na babae na walang facemask.
Nang makita umano ng matandang babae na walang suot na facemask ang katabi nyang babae ay sinabihan nya ito na magsuot ng facemask, ayon sa matanda ay baka nakalimutan lang isuot ng babae.
Ngunit minasama pa ng babae ang kabaitan ng matanda at pinagsalitaan pa ito ng kung ano-ano.
“Wag kang makialam. Alangan umuwi pa ako o bumili ng facemask at makipag siksikan sa madaming tao?”- sabi ng babae sa matanda.
Naawa naman si Daniza sa matanda dahil nagmalasakit lang ito para di mahawahan ng COVID-19.
“Naawa ako sa ginawa niya kay Nanay. Concern lang naman ito sa lahat ng pasahero pati na rin sa protocol na kailangan sundin sa lungsod. Wala siya rason at karapatan para umakto ng ganun,”- saad ni Daniza.